-- Advertisements --
Nakatakdang magsagawa ng reunion concert ang 90’s sexy girl group na Viva Hot Babes.
Gaganapin ang “BULAKLAK: VIVA HOT BABES REUNION CONCERT” sa darating na Oktubre 23 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.
Ang unang batch na magtatanghal ay kinabibilangan nina Katya Santos, Andrea Del Rosario, Maui Taylor, Gwen Garci, Sheree, Jaycee Parker, Ella V., at Jennifer Lee.
Sa mga susunod na araw ay iaanunsiyo nila kung sino-sino pa ang makakasama sa nasabing konsiyerto.
Nagkakahalaga ang tickets ng konsiyerto mula P1,500 hanggang P6,800.
Ilan sa mga kantang pinasikat ng grupo ay ang “Bulaklak”, “Basketball” at maraming iba pa.
















