-- Advertisements --

Nagtulong-tulong ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang magsagawa ng inspeksyon at random drug testing sa mga drayber ng bus sa ilang terminals sa Cubao, Quezon City ngayong holiday season.

Ang mga ahensyang nakipag-ugnayan sa nasabing aksyon para sa safety checks ay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay MMDA Chairperson Atty. Don Artes, ang isinagawang inspeksyon ng iba’t ibang ahensya ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyang-prayoridad ang “convenience” at “safety” ng mga pasahero sa lahat ng oras.

“Our inspection aims to ensure the safe, orderly, and convenient movement of commuters and prevent untoward incidents at bus terminals during the holiday rush,” ani Artes.

Samantala, may mga na-deploy ding K-9 teams upang makatulong sa drug detection at safety checks.

Ang hakbang na ito ay para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong holiday season.