-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Social Welfare nd Development (DSWD) na nakatakda nilang ipamahagi ang mga cash aids para sa mga benepisyaryo ng fuel subsidy sa pamamagitan na lamang ng e-wallet transfers matapos na masawi ang isang rider habang nakapila sa isang payout center sa Quezon City.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, isasagawa ang distribusyon para sa mga sususnod na payouts at irerekta na sa mga e-wallet ng mga transport network vehicle service (TNVS) at motorcycle taxi riders na siyang kasama sa listahan ng mga otorisadong matanggap ng naturang subsisiya.

Samantala, binigyang linaw naman ni Gatchalian na ang mga listahan ng mga pangalan ay base sa isinumite ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na siya aniyang naglalaman ng mga lehitimong drivers.

Personal naman na nagtungo at nakiramay ang kalihim sa pamilya ng nasawing rider at nagpabot na rin ng tulong sa pamamagitan ng medical at burial assistance at iba pang mga pangangailangan ng naiwanang pamilya nito.