Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magsisimula na ang P12 kada litro na fuel subsidy para sa mga driver at operator ng public utility jeepney (PUJ) at UV Express sa Sabado, Agosto 15.
Ayon sa LTFRB, maaaring makatipid ng hanggang P1,800 kada linggo ang mga kwalipikadong benepisyaryo sa ilalim ng mas mataas na fuel subsidy.
Sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na itinaas ang fuel subsidy dahil sa epekto ng nagpapatuloy na krisis sa presyo ng langis sa Gitnang Silangan.
Inatasan din ang Department of Social Welfare and Development na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng UPLIFT program, o Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport, para matulungan ang mga Pilipinong apektado ng tensyon sa Middle East.
















