-- Advertisements --
Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nananatiling sapat ang pondo ng gobyerno para sa Fuel Subsidy Program sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Sinabi ni LTFRB Acting Chairman Atty. Greg Pua Jr. na inaasahang magpapatuloy ang pagbibigay ng subsidiya upang maibsan ang dagdag-pasanin ng mga tsuper at operator ng pampublikong sasakyan kahit na may fare hike na.
Patuloy rin aniyang naghahanap ng paraan ang ahensya upang madagdagan pa ang pondo ng programa. Layunin ng Fuel Subsidy Program na magbigay ng pinansyal na ayuda sa mga kwalipikadong tsuper at operator upang makatulong sa kanilang gastusin sa gasolina at diesel.
















