-- Advertisements --
Kinumpirma ng Taiwanese actor na si Ken Chu na hindi ito kasama sa reunion concert ng F4.
Sa inilabas nitong video sa kaniyang social media ay nilinaw niya ang usapin na ito ay sinipa sa nasabing project.
Paliwanag nito na walang pormal na kasunduan para siya ay pagbawalan sa konsiyerto.
Dagdag pa nito na hindi sila nagkasundo sa recording company na may hawak din ng nasabing konsiyerto.
Labis itong nalungkot dahil sa tatlong beses itong tinanggihan ng kumpanya matapos na hindi magkasundo sa ilang usapin.
Umaasa naman ito na magkakaroon ng bagong reunion concert na kasama na siya.
















