-- Advertisements --

Tiyak na i-rerebisa ng Kamara ang kanilang Rules on Impeachment.

Ito ang inihayag ni House Prosecution Team member Rep.Joel Chua,kasunod ng pinal na desisyon ng Supreme Court na idiniklarang unconstitutional ang impeachment ni VP Sara.

Ayon kay Chua, makikipagpulong siya sa kanyang mga kasamahan sa Kamara kung paano pinakamahusay na baguhin ang patakaran, kasama ang pakikinig sa input ng mga naghain ng impeachment complaint, ilan sa kanila ay kasalukuyang miyembro na ng House. 

Posibleng magkaroon din ng pagbabago sa komposisyon ng Prosecution Team.

Samantala, sinabi naman ni Rep. Jonathan Keith “Atty. John” Flores na may puwang pa rin ang Kamara upang sundin ang desisyon ng SC habang pinapanatili ang co-equal authority ng House sa impeachment matters.

Aniya, ang bagong patakaran ay kailangang maingat na nakabalangkas upang ipatupad ang due process na ipinatupad ng SC. 

Susuriin nila nang detalyado ang buong desisyon at ang mga hiwalay na opinyon ng mahistrado upang maayos ang statutory construction bago ipatupad ang rebisyon.

Sinabi ni Flores na handa ang Kamara sa ganitong hakbang at tinitiyak na ang rebisyon ng Rules on Impeachment ay magiging balanse: sumusunod sa SC at pinapanatili ang kapangyarihan ng Kongreso sa pagpapatupad ng constitutional prerogatives nito sa impeachment.