-- Advertisements --

Ipinahayag ni House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos na kusa siyang nag-inhibit o umiwas sa kabuuan ng proseso ng impeachment na may kinalaman sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kaniyang ama.

Ayon kay Marcos, saklaw din ng kanyang pag-inhibit ang Committee on Justice, kung saan ang kanyang papel ay limitado lamang bilang ex officio member dahil sa kanyang posisyon bilang Majority Leader.

Binigyang-diin niya na ang Committee on Justice ay magsasagawa ng tungkulin nito nang malaya at independiyente, alinsunod sa itinatadhana ng Konstitusyon at sa mga patakaran ng Kapulungan ng mga Kinatawan.

Sa darating na Lunes, February 2,2026 nakatakdang magpulong ang komite sa pangunguna ni Justice Committee Chairman Rep. Gerville Luistro.

Layon ng pulong na i-consolidate ang dalawang inihaing impeachment complaints.