-- Advertisements --

Pinuna ng tagapagsalita ni VP Sara Duterte ang umano’y “double standards” ng House Committee on Justice sa pagtalakay sa impeachment complaints laban sa kanya.

Ayon kay Atty. Michael Poa, iba ang pamantayan ng komite sa pagsusuri ng complaints laban kay VP Duterte at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Na-dismiss ang kaso kay Pang Marcos noong Pebrero dahil sa kakulangan ng ebidensiya sa alegasyon ng korapsyon sa umano’y pekeng flood control projects, samantalang itinuring na sapat ang complaints laban kay VP Duterte ngayong buwan, na naglalaman ng paratang sa graft, korapsyon, at banta sa buhay ni Marcos.

Iginiit ni Poa na hindi puwede ang iba’t ibang pamantayan kung pantay ang posisyon ng dalawang opisyal. Hiningi ng kampo ni VP Duterte sa komite na i-dismiss ang kanyang impeachment complaints dahil sa umano’y kakulangan ng ultimate facts, paglabag sa due process, at double standards.

Ayon sa ilang miyembro ng komite, pantay ang pamantayan sa pagsusuri sa parehong kaso at naayon sa proseso ng House Committee on Justice. (report by Bombo Jai)