-- Advertisements --
Naitala ang magnitude 5.7 na lindol sa karagatan ng hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, nasa layong 125 kilometro dakong alas-11:19 ng umaga ngayong Huwebes, Oktubre 29, 2026.
Ayon sa Earthquake Information na inilabas ng ahensya, may lalim na 10 kilometro ang lindol.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa Nabunturan, Davao de Oro, habang Instrumental Intensity 1 naman sa Digos City, Davao del Sur, at sa mga lungsod ng Bislig at Tandag sa Surigao del Sur.
Ayon pa sa kinauukulang ahensya, inaasahan ang mga aftershock o kasunod na pagyanig matapos ang lindol.














