Naitala ang magnitude 6.4 na lindol sa karagatan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental, nitong Huwebes, Oktubre 8, 2026, dakong alas-4:07 ng hapon.
Ayon sa datos, may lalim na 10 kilometro ang lindol, naramdaman ang pagyanig sa ilang bahagi ng Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudrat, Davao del Sur, Davao Occidental, Cotabato, Davao City, at Bukidnon.
Pinakamataas na naitalang instrumental intensity ang Intensity IV sa Alabel at Malapatan sa Sarangani; T’Boli at Lake Sebu sa South Cotabato; General Santos City; at Palimbang sa Sultan Kudarat.
Samantala, Intensity III ang naitala sa ilang lugar sa Cotabato, Davao del Sur, Davao Occidental, Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat, habang mas mababang antas ng pagyanig ang naitala sa iba pang kalapit na lugar.
Ang nasabing lindol ay aftershocls ng magnitude 7.8 offshores na lindol na tumama sa Sarangani na may magnitude 6.5 at Davao Occidental noong Hunyo 2026.
















