Nanguna ang aktres na si Andrea Brillantes at Eric Quizon na mabibigyan ng bagong parangal sa Walk of Fame.
Gaganapin sa Disyembre 1, 2026 sa Eastwood Central Plaza sa Quezon City ang pagbibigay ng parangal.
Sinimulan ito noon ng yumaong beteranong host na si German Moreno noong 2005 at ngayon ay ipinagpapatuloy ng anak nito na si Frederico.
Ilan sa mga bibigyan ng parangal ay ang aktres na sina Jillian Ward, Tina Paner, Geleen Eugenio ang grupong Universal Motion Dancers at ang programang ‘Boys Night Out”.
Kasamang makakatanggap ng parangal ang social media personalities na sina Chinkee Tan, Cong TV, Tim Yap, Wil Dasovich at si two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.
Ibinahagi naman ng beteranang aktres na si Tina Paner ang natanggap nitong imbitasyon sa kaniyang social media kung saan ngayon pa lamang aniya ay nagpapasalamat na ito.
















