-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang timog-kanlurang bahagi ng Baras, Catanduanes nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala ang lindol bandang alas-11:10 ng gabi at tectonic ang pinagmulan nito, na may lalim na 10 kilometro.

Habang naitala naman ang mga sumusunod na instrumental intensity:

Intensity III – Virac, CATANDUANES
Intensity II – Tabaco, ALBAY; San Roque, and Rosario, NORTHERN SAMAR; Prieto Diaz, Bulusan, and City of Sorsogon, SORSOGON
Intensity I – City of Legazpi; Pili, Sagnay, CAMARINES SUR; Mapanas, NORTHERN SAMAR; Gandara, SAMAR

Ayon sa PHIVOLCS, wala namang inaasahang pinsala dulot ng pagyanig, ngunit posible pa ring makaranas ng mga aftershock ang lalawigan sa mga susunod na oras o araw.