Humingi na ng tulong ang Philippine National Police (PNP)sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para imbestigahan kung sino ang nasa likod ng pag-finance ng nakumpiskang 521 kilos na droga sa Laos na nakatakdang dalhin sana sa Pilipinas.
Ayon kay PCol. Allen Rae Co, hepe ng Public Information Office (PIO) ng PNP , na nagsagawa na sila ng pagpupulong ang AMLC at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ukol sa nasabing usapin.
Dagdag pa nito na nasa proseso na sila sa pag-evaluate ng mga ebidensiya kung saan magsasamang magsusumite ang PNP at PDEA.
Mayroon pang tatlo sa 40 na mga indibidwal ang hindi pa tumugon sa subpoena na inisyu ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Hindi na binanggit pa ni Co kung sino ang mga indibidwal na hindi nagbigay ng kasagutan sa subpoena na kanilang isinumite.















