-- Advertisements --

Kinuwestiyon ni Caloocan City 2nd District Representative Edgar Erice ang mahigit P4 bilyong panukalang pondo para sa mga proyektong imprastraktura sa unang distrito ng Ilocos Norte, na kinakatawan ni House Majority Leader Sandro Marcos.

Batay sa datos ng isang budget watchdog, nadagdagan ng P4.37 bilyon ang panukalang pondo para sa Ilocos Norte 1st District Engineering Office sa budget na inaprubahan ng HOUSE OF REPS, kumpara sa National Expenditure Program na isinumite ng Department of Budget and Management.

Iginiit ni Erice na dapat patas ang pamamahagi ng pondo sa mga distrito at kinuwestiyon ang patuloy na bilyon-bilyong alokasyon sa nasabing distrito mula pa noong 19th Congress. Hinimok din niya ang Senado na ayusin ang mga kuwestiyonableng pagbabago o umano’y “insertions” sa panukalang 2027 national budget.

Samantala, sinabi namang ng Palasyo na tungkulin ng mga mmbabatas sa mababang kapulungan na isulong ang kaunlaran sa kanilang mga distrito, basta’t nagagamit nang tama ang pondo at hindi napupunta sa mga ghost o substandard na proyekto.