Nagpasa ng manifestation of waiver si FAther Joel Saballa at iba pang complainants sa ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte ngayong Martes sa House Committee on Justice, na nagsasabing ang Consolidated Verified Answer Ad Cautelam ni Duterte ay isang “non-answer.”
Ayon sa kanilang kinatawan, hindi tinanggihan ni VP Duterte ang bawat mahalagang alegasyon at hindi ipinaliwanag kung paano nagastos ang P125 milyon sa labing-isang araw, o kung saan napunta ang kabuuang P612.5 milyon na ipinagkatiwala sa kanya. Binanggit din nila ang umano’y kalituhan ng VP sa pagitan ng “ultimate facts” at “evidentiary facts.”
Noong Lunes, hiningi ng kampo ni VP Duterte sa House Committee on Justice na i-dismiss ang mga complaints dahil sa umano’y kakulangan ng ultimate facts, paglabag sa due process, at alegasyon ng double standards.
Iginiit ng complainants na sapat ang substansiya ng reklamo, kabilang ang maling paggamit ng confidential funds, bribery, unexplained wealth, at umano’y pagkontrata ng assassin.(report by Bombo Jai)
















