-- Advertisements --

Kinumpirma ng Malacañang na ikinokonsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na mabigyan ng absolue pardon si Mary Jane Veloso.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na wala pa ng timeline kung kailan ito maibibigay ng pangulo.

Una ng ibinunyag ni Bataan Second District Rep. Albert Garcia ang budget sponsor ng Office of the President na ikinokonsidera umano ni Marcos ang pagbibigay ng absolute pardon kay Veloso.

Hindi naman na nagbigay pa ng anumang detalye si Castro ukol sa nasabing usapin kung saan sakaling maipatupad ito ay hindi na rin dapat ipaalam ito sa gobyerno ng Indonesia.

Magugunitang nakulong ng 14 na taon si Veloso na nabiktima ng human trafficking matapos na mahulian ng iligal na droga sa Indonesia.

Unang inilagay siya sa death row subalit pinagbigyan ang hiling noon ni dating Pangulong Benigno Aquino III kay dating Pangulong Joko Widodo.