-- Advertisements --

Iginiit ni Mary Jane Veloso na wala siyang ginawang drug trafficking sa Indonesia matapos siyang maaresto noong 2010.

Sa press conference para sa kanyang paglaya nitong Biyernes, nagpahayag ng pasasalamat si Veloso kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr matapos siyang pagkalooban ng absolute pardon.

Halos dalawang taon ding nagsilbi ng natitirang sentensya si Veloso sa correctional institution for women bago siya nabigyan ng pardon.

Noong 2015, matapos sumuko sa pilipinas ang umano’y illegal recruiter ni Veloso, umapela noon si dating president Benigno Aquino III sa Indonesia na huwag ituloy ang kanyang execution.

Matagal nang iginiit ni Veloso na hindi niya alam na may ilegal na droga sa kanyang bagahe nang siya ay maaresto sa Indonesia.