-- Advertisements --

Nananatiling posibilidad ang pagpapaharap kay Philippine Army Colonel Raymund Lachica sa Senate Impeachment Court.

Ito ay kahit wala pang eksaktong plano ang panel sa na ipatawag ang naturang opisyal sa witness stand.

Ayon kay House prosecution panel Deputy Spokesperson Atty. Hez Montalan, bagaman wala pang plano ang panel na ipatawag si Col. Lachica, nananatili ang posibilidad na ipapatawag siya ng defense team ni VP Sara Duterte.

Kapag mangyayari ito, tiniyak ni Atty. Montalan ang kahandaan ng House panel na isalang siya sa cross-examination.

Nanindigan din ang abogado sa planong hindi muna pagpapatawag sa naturang military official, kahit pa siya ang itinuturo ng mga ebidensiya na huling nakahawak sa milyon-milyong confidential at intelligence funds ng OVP at ng Department of Education.