Naglabas ang Department of Labor and Employment’s (DOLE) ng safety protocols na ipapatupad sa mga private sector employers para maprotektahan ang mga empleyado mula sa air hazards.
Nakasaad sa Labor Advisory 15 na ang mga employer ay dapat magsagawa ng Hazard Identification Risk Assessemtn and Control (HIRAC) para malaman ang tindi ng exposure ng mga manggagawa sa usok , haze at ilang mga air pollutants na makakaapekto sa kanilang kalusugan.
Inirekomenda ng DOLE na gamitin ang Air Quality Index Matrix and Action Points (AQIMAP) na inilabas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Health (DOH).
Sakaling makaranas ng unhealthy air quality ay hinikayat ng DOLE ang mga employers na magpatupad ng flexible work arrangements.
Ang mga manggagawa na pinapapasok sa trabaho ay marapat na magsuot ng naaangkop na protective equipment.
Sa panahon naman ng emergency ay pinayuhah ng DOLE ang mga employers na suspendihin na ang trabaho.
Magugunitang nakaranas ng masamang kalidad ng hangin sa Metro Manila na sinasabing galing sa Indonesia ang usok at haze dahil sa wildfire.















