-- Advertisements --

Mas pinaigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga pagbabantay sa mga gas stations matapos na makatanggap ng ulat na ilang mga gasolinahan ang nagtigil ng kani-kanilang mga operasyon sa gitna yan ng nagpapatuloy na krisis sa produktong petrolyo.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., agad na niyang inatasan ang mga hepe ng pulisya na agad makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at maging sa Department of Energy (DOE) para alamin ang mga posibleng dahilan ng biglaang pagsasara ng mga naturang gasolinahan.

Aniya, kung isang illegal scheme o isang pananamantala ang dahilan ng biglaang pagsasara ng mga ito, asahan na aniya ang magiging pag-aksyon ng pulisya hinggil dito.

Samantala, una naman na rito ay matatandaang humiling na ng assistance ang Energy Department sa pulisya para sa paghuli sa mga gas stations na siyang sasamantalahin ang sitwasyon sa Gitnang Silangan para magtaas ng presyo ng walking anunyo mula sa kanilang ahensya.

Kasunod nito, tiniyak naman ng PNP na may mga nakahandang contingencies ang kanilang organisasyon para masiguro na mapapanatili pa rin ang peace and order at hindi ito maapektuhan ng naturang giyera.