Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na malapit na nilang sampahan ng kaso sina Senador Loren Legarda at Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste.
Sa naganap na pulong balitaan ng Office of the Ombudsman, ibinahagi ng opisyal na asahan ang posibleng paghahain nila ng kaukulang kaso laban sa mag-inang mambabatas.
Bagama’t hindi pa tinukoy ang partikular na petsa o ‘timeline’ kung kailan isasampa ang kaso, ayon kay Ombudsman Boying Remulla, tiyak ito’y kanilang ihahain sa korte ng Sandiganbayan.
Gayunpaman, nasa preliminary investigation stage na ang reklamong kinakaharap ng mag-inang mambabatas sa tanodbayan.
Iaanunsyo na lamang aniya sa publiko o miyembro ng midya sa oras ihahain na ng tanodbayan ang inimbestigahan at inihandang kaso kontra kina Sen. Legarda at Rep. Leviste.
Magugunitang nasasangkot sina Senador Loren Legarda at Rep. Leandro Leviste sa sinsabing Solar Firm nito na bigo umanong tuparin ang obligasyon ‘Solar Energy’ para sa Pilipinas alinsunod sa nakuhang prangkisa.















