-- Advertisements --

Bumagsak sa 19.2°C ang temperatura sa Quezon City, batay sa record ng state weather bureau.

Naitala sa Science Garden sa Quezon City ang naturang temperatura kaninang umaga ngayong Huwebes, Enero-29.

Ayon sa weather bureau, ito na ang naitalang pinakamababang temperatura sa Metro Manila ngayong Amihan season.

Inaasahan ding mararamdaman ang malamig na temperatura sa malaking bahagi ng Metro Manila dahil sa lumalawak at lumalakas na epekto ng hanging amihan.

Samantala, bagaman magpapatuloy pa rin ang malamig na temperatura sa National Capital Region sa mga susunod na araw, inaasahang bahagya itong tataas simula bukas mula sa 19.2°C ngayong araw patungo sa 20°C bukas, Enero 30.

Mananatili ang 20°C hanggang sa araw ng Sabado, at inaasahang tataas sa 21°C pagsapit ng araw ng Linggo at araw ng Lunes.

Hindi rin inaalis ang mga panandalian at mahihinang pag-ulan sa capital region sa mga susunod na araw.