-- Advertisements --

Ipinagpaliban na ng Commission on Elections (Comelec) ang nakatakda sanang kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, na nagkaroon ng problema sa usaping legal at operational concerns.

Ang nasabing pagpapaliban ay inaprubahan sa pamamagitan ng resolution ng kanilang Comelec en banc sa isinagawang regular session nitong Enero 28.

Dagdag pa nito na hindi na maaring gawin sa Marso 30 ang halalan dahil sa kakulangan ng epektibong batas para sa redistricting ng Bangsamoro Parliament at kakulangan na rin ng panahon para sa paghahanda ng halalan.

Nitong Enero 13 lamang inaprubahan ng parliamento ang redistricting measures sa final reading habang noong Enero 20 ay pinirmahan para maging batas ni Chief Minister Abdulraof Macacua.

Ang nasabing halalan ay nangangailangan ng pondo na aabot sa P2.5 bilyon kung saan buo pa ang pondo nila dahil naibalik ang P1.2-B na ginamit sa pag-imprinta ng balota para sa sana Bangsamoro parliamentary eleciton na unang ginanap sana noong Oktubre 13, 2025.