-- Advertisements --

Tuluyang tinapos ni Senador Paolo Benigno Bam Aquino IV ang mga ispekulasyon hinggil sa posibleng pagtakbo niya bilang bise presidente katambal si Vice President Sara Duterte sa 2028, at iginiit na mas kailangang tutukan ng gobyerno ang edukasyon at ekonomiya kaysa sa maagang pamumulitika.

Sa isang press advisory nitong Linggo, itinanggi ng mambabatas na may binubuong alyansa para sa susunod na halalan.

Umani ng atensyon ang isyu matapos ianunsyo ni Duterte ang kanyang presidential bid at matapos sabihin ni Aquino sa isang panayam na mas mainam kung sa Pilipinas lilitisin ang crimes against humanity case ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunpaman, nilinaw ng senador na buo ang kanyang respeto sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).

Ayon sa senador, dapat unahin ng pamahalaan ang pagresolba sa krisis sa mga paaralan, tulad ng classroom backlog, at iba pang isyung pambansa.