Binigyan ng dagdag na oras ang defense team ni Vice President Sara Duterte para makapaghanda sa testimonya ng AMLC executive Director Ronel Buenaventura.
Humiling ng oras si Defense lead counsel Sheila Sison matapos nilang matanggap lamang nitong Huwebes ang mga summary ng AMLC records.
Tinatayang 23 hanggang 24 kahon ng dokumento ang kailangan nilang suriin bago makapaghanda para sa direct at cross-examination.
Ayon kay Sison, kailangan nilang ma-review ang mga rekord upang maayos na matugunan ang mga tanong ng prosecution at makapaglatag ng kaukulang objections.
Pinagbigyan naman ni presiding officer Francis “Chiz” escudero ang request ng depensa.
Dahil dito, sa Oktubre 5 na itutuloy ang testimonya ni Buenaventura, habang inilipat sa mga susunod na petsa ang testimonya ng mga kinatawan ng insurance companies, mga bangko at Bureau of Internal Revenue.
Samantala, kinuwestiyon din ng depensa ang “Strictly confidential” marking sa amlc records at binanggit ang confidentiality provisions ng anti-money laundering act.
Sinabi ni Escudero na maaaring talakayin ng mga senator-judge ang isyu sa caucus o open session sa pagpapatuloy ng trial sa Lunes.
















