-- Advertisements --

Pormal nang binuksan ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang bagong sub-office sa Barangay 176 Bagong Silang upang mas mapalapit ang mga pangunahing serbisyo nito sa mga residente ng North Caloocan.

Pinangunahan ang seremonya nina PRC Secretary General Dr. Gwen Pang, Caloocan City Mayor Gonzalo “Along” Malapitan, at PRC Caloocan Chapter Chairman Danilo Sanchez kasama ang iba pang opisyal at volunteers ng organisasyon.

Ang dalawang palapag na gusali ay ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan upang magsilbing sentro ng serbisyo para sa mga karatig-barangay tulad ng Bagong Silang, Deparo, at Camarin.

Nakatakdang mag-alok ang pasilidad ng Blood Service Facility, mga pagsasanay sa first aid, at mabilis na disaster response para sa mga mamamayan sa oras ng sakuna.

Kasabay ng pagbubukas, naglunsad din ng Health Caravan na nagbigay ng libreng konsultasyong medikal, gamot, blood typing, ultrasound, at hot meals, habang nagpaabot naman ng pasasalamat si PRC Chairman Richard Gordon sa suporta ng pamahalaang lungsod.