Inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong araw, Setyembre 26, 2026 ang ‘Skill Pass’ kung saan magkakaroon na ng pagkakataong makakuha ng sertipikasyon sa kanilang mga kasanayan ang mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers o TUPAD Program.
Sa pamamagitan nito, maitatala ang karanasan, pagsasanay at mga kasanayang nakuha ng mga benepisyaryo habang nagtatrabaho sa ilalim ng TUPAD.
Makikipag-ugnayan ang DOLE sa TESDA, mga lokal na pamahalaan at employer upang mabigyan ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng karagdagang pagsasanay at sertipikasyon.
Layunin nitong mabigyan ang mga benepisyaryo ng pagkakataong makahanap ng regular na trabaho, makapagsimula ng negosyo o makakuha ng karagdagang pagsasanay matapos ang kanilang pansamantalang trabaho.















