-- Advertisements --

Nanawagan si Swerte Partylist Rep. Arlyn Ayon sa Land Transportation Office (LTO) na pansamantalang suspindihin ang panghuhuli ng mga lumalabag sa batas-trapiko sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo, kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, iginiit ni Ayon na labis nang nahihirapan ang mga motorista dahil sa bigat ng gastusin, at ang dagdag na multa mula sa apprehensions ay lalo lamang nagpapahirap sa kanila.

Ayon sa mambabatas, layunin ng panukala na magbigay-ginhawa sa mga driver at operator ng pampublikong sasakyan na direktang apektado ng fuel price hikes.

Dagdag pa niya, ang pansamantalang suspensyon ay makatutulong upang maibsan ang pasanin ng mga ordinaryong Pilipino sa gitna ng tumataas na presyo ng bilihin at pamasahe.

Samantala, pinag-aaralan pa ng LTO at iba pang ahensya ng gobyerno ang anumang panukala na posibleng makatulong sa hanay ng mga motorista sa ganitong panahon ng krisis sa langis.

Habang ang mungkahi ni Rep. Ayon ay mabilis namang umani ng sari-saring reaksyon.