-- Advertisements --

Ibinunyag ni Senate President Pro Tempore Panfilo ”Ping” Lacson na may natanggap siyang impormasyon ukol sa umano’y pag-pressure o panggigipit sa Commission on Elections (Comelec) ukol sa reklamo laban kay Sen. Rodante Marcoleta.

Sa isang panayam, sinabi ni Lacson na may grupong nanggigipit o namimilit sa poll body na huwag pirmahan ang resolusyon na binuo ng komisyon ukol sa reklamo kay Marcoleta na hindi pagdedeklara sa mga natanggap na donasyon sa ilalim ng kaniyang Statement of Contributions and Expenditure (SOC) noong 2025 Midterm Elections.

Ang source umano ni Lacson ay mula rin sa loob ng komisyon.

Sinabi pa ng senador na ilang commissioner ang na-pressure dito.

Bagaman hindi sinabi ng mambabatas kung anong grupo ang nasa likod nito, tiniyak niyang hindi nagmula sa national government ang pressure

Gayunpaman, nilinaw ng batikang abogado na kailangan pang beripikahin ang naturang impormasyon.