Patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaan na maibalik sa bansa si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co para papanagutin sa mga kinakaharap na kaso.
Katunayan, sinabi ni Pangulong na pormal nang humiling ang pamahalaan ng tulong mula sa Portugal , kung saan pinaniniwalaang nagtungo si Co at humihingi ng kooperasyon upang malampasan ang mga limitasyon sa hurisdiksiyon.
Upang mapabilis ang proseso, naglabas ang pamahalaan ng Pilipinas ng isang abiso sa Interpol na humihiling ng tulong sa paghahanap at pagpapadali sa pagbabalik ni Co.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang administrasyon sa mga awtoridad ng Portugal upang matiyak na nasusunod ang lahat ng legal at diplomatikong proseso.
Muling pinagtibay ng Malacañang ang kanilang pangako sa pagpapanatili ng rule of law at tiniyak sa publiko na gagamitin ang lahat ng legal na paraan upang maibalik si Co sa bansa habang iginagalang ang internasyonal na batas at ang soberanya ng ibang mga bansa.










