-- Advertisements --

Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa posibilidad ng pagbagsak ng rocket debris, kasunod ng muling pagpapalipad ng China ng isang rocket.

Inilunsad ng Peoples Republic of China ang Yinli-1 rocket mula sa East China Sea Launch Area, silangan ng Shanghai.

Ayon sa PhilSA, posibleng bumagsak ang debris sa isang drop zone na nasa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone, tinatayang 61 nautical miles mula Santa Ana, Cagayan, at 71 nautical miles mula Babuyan Island.

Ilan sa mga debris na posibleng bumagsak ay ang booster at fairing na natatapon habang lumilipad paangat ang rocket sa outer space.

Ayon sa ahensiya, maaaring magdulot ng panganib ang debris sa mga barko, eroplano, fishing boats, at iba pang sasakyang-dagat, kaya’t ipinapayo sa publiko na maging alerto at agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang makitang debris.

Pinapaalalahanan din ang publiko na huwag lapitan o pulutin ang mga ito dahil maaaring may nakalalasong residue mula sa rocket fuel.