-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na siya ay nagkamali ng sabihin na tuluyang ibinasura ng Austria ang asylum application ni dating presidential spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Remulla na ito ay maaring na-denied o maaring natanggap kaya’t wala pa itong konkretong impormasyon.

Dagdag pa nito na nag normal na proseso nto ay ang anim na buwan para sa aplikasyon at siyam na buwan na ang nakakaraan ay maaring ito ay naaprubahan na o ibinasura.

Paglilinaw nito na sa mata pa rin ng batas ay nananatiling wala pa rin siyang asylum kaya marapat na maisilbi ang hustisya.

Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay binanggit ni Remulla na naibasura ang asylum request ni Roque matapos na lumagpas na ang limang buwan na palugit.

Tiniyak naman ni Remulla na kanilang aarestuhin si Roque kapag naipalabas na ang red notice ng Interpol laban sa kaniya.