-- Advertisements --

Nakatakdang ilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon nito hingil sa 2025 Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ni Sen. Rodante Marcoleta sa darating Miyerkules.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nagging mainit ang balitaktakan ng usapin na ito sa naging en banc session ng komisyon.

Una na rito, sinabi na rin ni Garcia na nahaharap ang komisyon sa mga ‘complications’ habang nireresolba ang kasong ito na sangkot si Marcoleta.

Ito ay matapos na magrekomenda ang Office of the Ombudsman ng isang related complaint sa komisyon na siyang kumekwestiyon sa SOCE at maging sa Statement of Assests, Liabilities and Net Worth (SALN) ng senador.

Samantala, base naman sa SOCE ni Marcoleta, gumastos ang senador ng P139.9 milyong halaga para sa kaniyang senatorial campaign noong nakaraang taon na siyang nag-exceed sa laman ng kaniyang declared SALN na mayroong P51.9-M.

Maliban dito, sinabi rin ng senador na hindi siya nakatanggap ng kahit anumang uri ng donasyon sa kaniyang kampaniya.

Tiniyak naman ng Comelec na patuloy nilang aalamin ang mga naging isyu sa SOCE ng mababatas na siyang parehas nang sumasailalim sa imbestigasyon.