-- Advertisements --

Napansin ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) ang naging mababang bilang ng mga indibidwal na bumoto sa isinagawang special elections sa Antipolo nitong Sabado, Marso 14.

Ayon kay Namfrel Chairperson Lito Averia, ilang mga polling precints sa Barangay Calawis ang nakapagtala lamang ng single digit na bilang ng mga botante pagpatak ng 12:00nn ng tanghali dahilan kung bakit nagging mababa ang voter’s turnout nito.

Sa kabila nito, nanindigan si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na hindi sila nagkulang sa pagsasagawa ng mga education campaign hinggil sa kahalagahan ng pagboto ng bawat botante.

Aniya, bagamat prediction ng komisyon na papalo sa halos 60-65% na voter turnout ay hindi rin anaiya naabot ang kahit 35% nito.

Samantala, inihayag naman ng komisyon na ang datos na ito ay hindi nangangahulugan bilang indikasyon ng failure of election.

Aniya, maaaring interes ng mga botante ang dahilan o may iba pa aniyang personal na mga kadahilanan.

Samantala, batay sa datos mayroong halos 252,000 na mga rehistradong botante ang pangalawang distrito ng Antipolo.