-- Advertisements --

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na posibleng maipasa ngayong lingo ang panukala na naglalayong mailipat at maganap sa Setyembre 14 ng kasalukuyang taon ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, naniniwala ang komisyon na bago pa man mag-adjourn ang kongreso ay maipapasa na ang panukala upang tuluyan nang maisakatuparan ang eleksyon sa rehiyon.

Aniya, ito ay pinagtibay na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang isang urgent matter kaya marapat lamang aniya na mabigyan agad ito ng kasagutan.

Matatandaan kasi na parehong mataas at mababang kapulungan ang nagapruba sa panukalang ipagpaliban ang parliamentary elections sa nagging pangatlo at huling reading nito.

Samantala, inihayag naman ng komisyon na handa ang kanilang tanggapan para maserbisyuhan ang hindi bababa sa 2.3 milyong rehistradongt botante sa BARMM para sa nakatakdang eleksyon sa rehiyon.