Siniguro ng Philippine Army na walang nakikitang Kahit anumang banta sa seguridad ang kanilang hanay na maaaring maging dahilan para makompormiso ang unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, patuloy ang isinasagawang monitoring ng kanilang hukbo sa mga lugar na mayroong kasaysayan ng election-related concerns upang masiguro na walang magiging disruption sa mga magiging halalan na nakatakdang isagawa sa Setyembre 14.
Nakahanda rin aniya ang Hukbong Katihan na magbigay ng kanilang suporta sa Philippine National Police (PNP) at sa Commission on Elections (Comelec) upang matiyak ang seguridad, kapayapaan at kaayusan sa maging proseso ng botohan.
kasunod nito, sinabi rin ng tagapagsalita na mjayroong sapat na bilang ang kanilang hanay para sa patuloy na pagkakasa ng mga ssecurity missions sa rehiyon particular na mula sa ga hukbo ng 1st,6th and 11th Infantry Division ng military sa western Mindanao.
Samantala, nauna naman na rito ay nagpasalamat na rin ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) sa mga mambabatas para sa pagpapasa ng panukala na naglalayon na i-reset ang first regular parliamentary elections sa Bangsamoro region.
















