-- Advertisements --

Nakaligtas si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Abdulraof Macacua matapos tambangan ang kaniyang convoy sa bahagi ng Barangay Bitu, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte kaninang alas-4:45 ng hapon.

Ayon sa paunang ulat ng mga awtoridad, pinaputukan ng hindi pa nakikilalang mga armadong suspek ang convoy ng Chief Minister habang bumabagtas sa naturang lugar.

Sa kabila ng pag-atake, kinumpirmang nasa maayos at ligtas na kondisyon si Macacua.

Patuloy ngayong nag-iimbestiga ang mga pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga armado na nasa likod ng pananambang, pati na rin ang tunay na motibo sa ginawang pag-atake.

Sa ngayon, pinalilibutan ng mga awtoridad ang lugar habang nagsasagawa ng hot pursuit operations.

Inihayag ng mga pulis na hindi pa nila ma-classify o maikonekta agad sa kasalukuyan kung may kinalaman ang insidente sa politika o sa mga usaping may kaugnayan sa rehiyon.