-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Army na wala silang namomonitor na kahit anumang banta sa ngayon apat na linggo bago ang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-Ala, patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa buong rehiyon katuwang ang Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies upang matiyak na magiging mapayapa ang gaganaping halalan sa Oktubre 13.

Ayon pa sa tagapagsalita, ready to deploy na rin bilang augmentation sa pulisya at suporta sa Commission on Elections (Comelec) ang 6th Infrantry Division maging ang 1st Infrantry Division sa araw ng eleksyon.

Layon naman nito na magkaroon at pairalin ang seguridad sa buing rehiyon uoang masiguro na magiging payapa at ligtas ang buong halalan.

Samantala, patuloy naman din ang pagpapatupad ng mga checkpoints at chokepoints sa rehiyon bilang bahagi ng kanilang regular na mandato.