-- Advertisements --

Nakatakdang nang umpisahan ng Philippine National Police (PNP) ang pagtatanggal ng mga pangalan at mukha ng mga politiko na mamamataang naka-display sa mga government-funded projects.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ito ay para protektahan ang integridad at tunay na layunin ng serbisyong publiko na galling aniya sa pera ng bayan.

Dagdag pa ng hepe, ang mga proyektong ginawa mula sa pondo ng bayan ay hindi dapat nagmumukhang pagmamayari ng isang tao o opisyal dahil ang mga ito aniya ay mula at pagmamayari ng mga mamamayan.

Nilinaw din ni Nartatez na hindi optional ang kanilang mga ikakasang pagbabaklas at isang malinaw na paglabag sa prinsipyo ng mga pampublikong tanggapan na siya anang sumasalamin sa public trust.

Samantala, ito naman ay bahagi pa rin ng striktong pagpapatupad ng polisiya ng Department of Interior and Local Government (DILG) na Anti-Epal policy.

Batay sa naging direktiba ni Nartatez, Kahit sinumang miyembro ng PNP na siyang hindi kakatigan ang utos na ito ay haharap sa mga kaukulang poarusa batay sa mga umiiral na rules and regulations.