Hinigpitan ng Bureau of Customs, Department of Justice at National Bureau of Investigation ang pagbabantay sa iba’t-ibang mga pantalan sa buong bansa upang mapigilan at tuloy-tuloy na pagpasok ng smuggled agri products.
Maalalang pumirma ang tatlong ahensiya ng Tripartite Memorandum of Agreement (MOA)upang mapatatag ang imbestigasyon at pag-uusig sa mga nasa likod ng smuggling activities na pangunahing target ang pagkakapasok ng agri products.
Ayon kay BOC Deputy Chief of Staff, Atty. Chris Noel Bendijo sasaklawin ng bagong kasunduan ang pagpapabilis sa intelligence sharing at case build-up ng mga otoridad laban sa mga nasa likod ng agricultural smuggling.
Magtutulungan din ang tatlong aheniya sa information and intelligence sharing, pag-evaluate sa mga ebidensiya, referral, preliminary investigation, prosecution, at enforcement coordination.
Sa pamamagitan ng tripartite aggreement, sinabi ni Atty. Bendijo na patong-patong na kaso na ang ihaharap sa mga mapapatunayang nasa likod ng smuggling activities na hiwalay na ihahain ng bawat ahensiya.
Sa panig ng DOJ, maaari silang maghain ng kasong paglabag sa anti-agricultural economic sabotage law habang sa BOC, maaari silang maghain ng kasong paglabag sa customs modernization and tariff act
Sa kasalukuyan, 15 kaso na ang na-endorso ng BOC sa DOJ laban sa mga nagpupumilit na magpuslit ng agri products sa bansa, gamit ang iba’t-ibang mga pantalan.















