-- Advertisements --

Hindi umano dapat isantabi ang posibilidad na pawang mga kababaihan ang magkakalaban sa 2028 Presidential and Local Elections, ayon kay dating Budget Secretary and Liberal Party member Florencio Abad.

Ito ay kasunod ng pagdedeklara ni VP Sara Duterte na tatakbo siyang pangulo sa nalalapit na halalan.

Ayon kay Abad, hindi malayong posibilidad na magdedesisyong magkatandem sina VP Sara at Sen. Imee Marcos para sa susunod na halalan.

Maaari din aniyang muling tatakbo sa pagkapangulo si dating vice president at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo, at posibleng pipiliin si Sen. Risa Hontiveros bilang kaniyang ka-tandem.

Ayon sa dating kalihim, nananatili ang desisyon ng dating pangalawang pangulo na makakuha ng national position ngunit marami pa aniya ang maraming mangyari sa loob ng dalawang taon.

Kung hindi man ito mangyayari aniya, maaari ring maging standard bearer para sa opposition si Sen. Hontiveros, lalo at nagawa na umano ng senador na ipakita ang kaniyang kakayahan sa mataas na kapulungan.

Ayon kay Abad, may kakayahan ang senador na mamuno, kapwa sa presidential at vice presidential position.

Una na ring sinabi ni presidential sister, Sen. Imee Marcos na handa siyang maging ‘forever running mate’ ni VP Sara kasunod ng deklarasyon niya kahapon (Feb. 18).