No comment si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kaugnay sa lumulutang na “Sara-Imee” tandem para sa 2028 elections, maging ang tambalang “Leni-Risa.”
Kahapon inanunsiyo ni VP Sara Duterte na siya ay tatakbo sa pagkapangulo.
Tugon naman ng Pangulong Marcos dito ay “Good Luck.”
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro nakatuon ang Pangulong Marcos sa kaniyang trabaho bilang chief executive.
Aniya ayaw pag-usapan ng Pangulo ang pulitika lalo at malayo pa ang halalan.
Mariin ding itinanggi ng Palasyo ang mga haka-hakang nililigawan ng administrasyon si dating Vice President at ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo para sa 2028 Presidential elections.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, wala umanong anumang usapin o hakbang ang administrasyon tungkol sa paghahanap ng kandidato para sa susunod na halalan.
Dagdag pa ni Castro, nakatuon ang Pangulong Marcos sa pagtugon sa mga isyu ng baha at pagpapalakas ng ekonomiya, at hindi sa pamumulitika.
















