-- Advertisements --

Nasungkit ng atletang Pilipino na si Jeus Gabriel Derick Yape ang ika-apat na gintong medalya ng bansa sa 2026 Aichi-Nagoya Asian Games matapos dominahin ang Mixed Individual Virtual Taekwondo Gold Medal Contest sa Toyohashi Gymnasium sa Japan.

Pinataob ni Yape ang katunggaling si Chau Ngoc Tuyet Sang ng Vietnam sa pamamagitan ng mabilis na 2-0 sweep (500-0, 620-0) gamit ang kanyang perpektong depensa at matitinding sipa sa dalawang magkasunod na round.

Ipinakita ng PH ang kabuuang superiority sa virtual mat nang magtala si Yape ng pangkalahatang 1,120-0 na bentahe sa Remaining HP habang pinagmukhang walang palag ang katunggali sa mga naimbertong sipa at pananggalang.

Dahil sa makasaysayang tagumpay na ito, opisyal nang nalampasan ng Team Pilipinas ang kabuuang lebel ng medalya nito noong Hangzhou Asian Games sa pamamagitan ng mas mataas na bilang ng pilak at tanso bukod sa apat na ginto.

Patuloy ang pagdiriwang ng delegasyon ng Pilipinas sa Nagoya habang umaani pa ng karagdagang karangalan ang mga pambansang atleta sa iba’t ibang larangan ng palakasan.