Hiniling ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kopya ng sinumpaang salaysay at mga supporting documents na isinumite umano ng dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr. kaugnay ng mga alegasyon nito laban sa pamilya Duterte.
Sa liham ng abogado ni Duterte, sinabi nitong walang kalakip na kopya ng affidavit ni Gracioso sa imbitasyon ng NBI. Anila, kailangan muna nilang suriin ang mga dokumento upang makapaghanda ng tugon.
Nakatakda sanang dumalo si Duterte sa NBI conference sa Oktubre 5, ngunit hiniling ng kanyang kampo na ilipat ito sa Oktubre 8,upang magkaroon sila ng sapat na oras na pag-aralan ang mga hinihinging dokumento.
Ang mga alegasyon ni Gracioso ay may kaugnayan umano sa paghahatid ng male-maletang pera sa pamilya Duterte.
















