-- Advertisements --
Nanawagan ang maraming protesters ng conviction kay VP Sara Duterte kasabay ng umuusad na impeachment complaint laban sa kaniya.
Ngayong araw ay nagsagawa ng kilos protesta ang maraming mga pro-impechment protesters sa harapan ng Senado sa Pasay City.
Panawagan ng mga ito ang tuluyang pagpapanagot kay VP Sara dahil sa umano’y nagawa niyang iba’t ibang mga impeachable offenses na kasalukuyan nang nililitis sa Senate Impeachment Court.
Nagmartsa rin ang mga rallyista sa harapan ng Senado habang kanilang isinisigaw ang panawagan.
Nagpakalat naman ang Philippine National Police (PNP) ng mga Civil Disturbance Management (CDM) contingent sa harapan ng mataas na kapulungan upang bantayan ang naturang protesta.
















