Muling napansin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paglobo ng bilang ng mga Chinese vessel sa West Philippine Sea (WPS) sa huling bahagi ng Setyembre 2026.
Ayon sa AFP, umabot sa 42 Chinese vessels ang na-monitor sa ilang bahagi ng pinagtatalunang karagatan mula Sept. 22 hanggang Sept. 28.
Mas mataas umano ito kumpara sa bilang na naitala mula Sept. 15 hanggang Setyembre-21.
Kabilang sa mga namonitor ng AFP ay ang siyam na China Coast Guard (CCG) vessels sa Ayungin Shoal at 14 na CCG vessel at walong People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessels sa Bajo de Masinloc na isa sa mga fishing grounds ng mga mangingisda mula Zambales.
Nakita rin ng AFP ang isang PLAN at anim na CCG vessels sa Escoda Shoal, at isang PLAN at tatlong CCG vessels sa Pag-asa Island.
Sa kabila nito, tiniyak ng PH authorities na magpapatuloy ang pagpapatrolya sa mga karagatang saklaw at PH territory.
Nitong nakalipas na lingo ay muling dumanas ng pambubully ang isang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessel matapos itong banggain ng isang CCG vessel. Agad ding nagpadala ng Coast Guard vessel ang bansa upang tulungan ang apektadong barko ng fisheries bureau.
















