-- Advertisements --

Muling nagtipon-tipon ang mga convenors ng Philippine Tobacco Harm Reduction Advocates (PHILTRA) ngayong araw. 

Napagdiskusyunan sa 2nd National Summit on Nicotine and Harm Reduction ang mga polisiya ukol sa ciggarretes, vapes, at nicotine products. 

Naniniwala ang mga dumalo na hindi dapat kapareho sa combustible cigarettes ang buwis na ipapataw sa mga smoke-free alternatives. 

Lalo na anila kung ang nais ng mga mababatas na mahimok ang mga ‘adult smokers’ na lumipat sa ‘less harmful alternatives’. 

“Harm reduction policies can save lives, while total bans risk fueling illicit markets and relapse,” ayon kay Dr. Lorenzo Mata, presidente ng PHILTRA co-convenor Quit For Good.

Kaugnay ang usapin sa umuugong na ppagkunsidera ng pamahalaan na i-ban ang ‘vaping’ at ‘heated tobacco products’ pati pagdagdag ng buwis. 

Bagama’t kinikilala ang pangangailangan ng gobyerno na makakolekta ng mas malaki, paalala nila’y may kaakibat na epekto itong dala-dala. 

Kaya’t hiniling na ang mga polisiyang ipatutupad ay dapat nakabatay sa ebidensya at antas na panganib.