-- Advertisements --

Binalaan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang publiko laban sa paggamit ng etomidate, isang uri ng short-acting intravenous anesthetic, na nakita sa mga nakumpiskang vaping products.

Ayon sa PDEA na ang etomidate ay lehitimong medical drug na ginagamit sa mga pagamutan para tumulong sa general anesthesia pero ito ay delkado sa katawan ng isang tao kapag ginamit ng walang pahintulot ng mga doktor.

Ilan aniya sa mga epekto nito sa katawan ay ang pagkawala ng malay, pananakit ng katawan at maaring ikasawi pa ng biktima.

Bukod sa mga iligal na vaping products ay nakita ang etomidate sa ilang uri ng tableta, powders at crystals.

Ayon naman kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, na labis na naapektuhan dito ay mga bumibili ng mga iligal na vape products.

Ang mga ito ay ibinebenta sa tawag na “space oil”, “zombie vapes” at “Kpods”.

Ilang mga bansa na rin ang naghigpit ukol diot gaya sa Thailand, China, Hong Kong at Singapore.