-- Advertisements --

Nakatakdang ipit pansamantala sa New Quezon City Jail sa Payatas, Quezon City sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) 1st District Assistant Engr. Brice Hernandez, Engr. Jaypee Mendoza, Arjay Domasig, at Finance staff Juanito Mendoza, kaugnay ng umano’y anomalya sa P92.8 million “ghost” flood control projects sa Pandi, Bulacan.

Kasabay nilang ikukulong si dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

Nitong hapon nga ng Martes ng isuko ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Sandiganbayan Third Division ang mga akusado para sa pag-isyu ng commitment orders at booking.

Ayon sa mga awtorisad isa na lamang sa mga akusado na si DPWH engineer Emelita Capistrano Juat, ang nananatiling at large.

Samantala, naaresto naman sa Benguet ang cashier ng DPWH Bulacan First District Engineering Office na si Christina Mae del Rosario Pineda.

Matatandaang sina Hernandez at Mendoza ay dati nang nakakulong sa Senado matapos ma-cite in contempt sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga flood control projects sa Bulacan.